Sa lungsod ng pag-ibig,
ang Paris, ay tampok sa media at sa mga tao. Kadalasan nga ay
kung mag-iisip ang madla ng bakasyon na pang romantiko ay ang Paris agad
ang maiisip nila. Dahil na rin sa pang romantiko na reputasyon na meron ang
lungsod na ito. Isa rin sa mga features o sa mga kilalang istraktura sa Paris
ay ang sikat na Eiffel Tower. Ngunit hindi lang ito ang pang
turistang lugar sa Paris, isa na rin sa mga pangturistang lugar ay isang Arco
na tinayo noong 1836. Marami itong naging pangalan noon, pero kilala na
ito bilang Arc de Triomphe sa kasalukuyang panahon.
Maraming mga kwento ang nakatago sa loob ng makasaysayang
piraso ng mga pader ng arkitekturang ito. Ang Arc de Triomphe
ay hindi nakumpleto hanggang sa taong labingwalong tatlumpu-anim, labing-limang
taon pagkatapos ng kamatayan ni Napoleon, kaya't hindi siya nagkaroon ng
pagkakataon na makita ang produkto na nais niyang makita at madaan kasama ng
kaniyang asawa na si Marie Louise sa gitna ng Arko pagkatapos
nilang makasal. Ito ang pangalawang pinakamalaking arko na nakatayo ngayon, at
ito ang pinakamalaking hanggang 1982 dahil nakapagtayo ang Korea ng Arko na ngayo’y
pinakamtaas na Arko sa buong mundo. At
may isang ‘di kilalang sundalo na inilibing sa Arkong iyon. Sa oras na iyon,
isang apoy ay sinindihan upang parangalan ang mga namamatay sa panahon ng
digmaan.
Marami pang naging kwento ng Arkong iyon, sapagkat,
matagal-tagal na rin iyon nakatayo. Nakakita na ang Arkong iyon ng mga bagay na
kalian man ay hindi nakita ng mga tao sa modernong estado ngayon. Ngunit sa
kabila ng mga pangyayaring kinakaharap nito, nananatili pa rin itong nakatayo
ng matatag sa France, at nagiging isa na rin ito sa mga dinadalaw ng mga
turista sa France.
No comments:
Post a Comment