Tuwing ako ay nakamasid sa mga blangkong papel ng aking journal. Madalas kong iniisip kung ano nanaman ang aking isusulat. Minsan may gusto akong isulat ngunit tila may pumipigil sa akin na gawin ito. Minsan nama’y hindi ko alam kung ano ang gusto kong isulat sa mga papel na naghihintay na sa aking mga salita. Nag saliksik ako ukol nito at nakita kong madalas itong naranasan ng mga manunulat, ang Writer’s Block.
Ang pagsusulat ay simple, ngunit hindi ito madali. Mahirap umisip ng mga bagong ideya, at palagi mong kaharap ang katakutan. Takot sa mga sasabihin ng madla, kahit na ito ay bahagi ng pagsulat. Takot sa critism ng mga tao. At madalas naman ay iniisip natin na hindi ngayon ang tamang oras sa pagsusulat. Ngunit lahat ng ito ay nasa isip natin lamang.
Tayo’y nasa proseso ng pagpapabuti. Hindi tayo agad maka-buo ng napakamagandang talarawan o artikulo. Tayo’y dumadaan muna sa proseso, at manatiling ganyan iyan. At ang Writer’s Block ay bahagi ng prosesong iyon. Minsan wala tayong masulat dahil marami tayong iniisip. Hindi dahil wala tayong maiisip na isulat. Ang mga sasabihin ng madla ay natural lamang, laging nandiyan iyan. Makakarinig tayo ng mga critism dahil parte pa rin ito ng proseso ng pagpapabuti.
Kung hindi natin nararanasan ito, hindi tayo maging mabuti. Hindi tayo magbago kung tayo’y tumanggi sa mga ito. May mga daan muna tayong dadaanan, may mga pagsubok (tulad ng Writer’s Block) muna tayong harapin upang makasulat muli sa mga blankong papel na naghihintay sa ating mga salita.
No comments:
Post a Comment