Sunday, August 18, 2019

Paghanga ng ibang Kultura


Ang Koreanong musika, drama, mga pampaganda at iba pa. Ay naka-tipon ng maraming manunood o tagapakinig. Naimpluwensyahan nila ang maraming tao, kahit nakaabot ito sa ilang mga kanlurang bansa at sa buong Asya, at isa sa kanila ay ang Pilipinas. Kung saan ka pupunta, maririnig mo ang kanilang musika dito sa Pilipinas. Ang kanilang mga drama ay nasa telebisyon, nakakuha ng maraming manonod araw-araw. Sa mga department store, makikita mo ang kanilang mga produkto. Sa palagay ko ang mga Pilipino ay talagang napagmahal sa buong Koreanong cultura na kasalukuyang nagaganap, ngunit mayroon akong tanong sa aking isipan kung bakit. Bakit nga ba na ang ilan sa mga Pilipino ay pinarangalan ang Koreanong kultura?
Gumawa ako ng saliksik tungkol dito kung bakit. Tinanong ko ang ilang mga kaibigan at kaklase. At karamihan ng mga madla na ito ay mga kabataan. Ayon sa kanila, ito ay dahil sa 'cuteness' ng mga drama na ipinakikita nila. Ito ay hindi 'cliche', at hindi nakakasawa panoorin. Habang ang kanilang musika ay naiiba. Alam niyo naman ang mga tao ay mas gusto nila ang nakakaiba. May ilan naman kung ano ang nakikita sa internet, sila ay susunod din. Na kung iyon ay ang uso, sila'y sasabay rin. Kahit sa mga paaralan, ang mga mag-aaral ay sumasayaw sa kanilang musika. At naguusap sa kanilang mga kaibigan sa kung ano ang kanilang nadama habang pinapanood ang Korean drama, sila ay nag 'fangirl' sa kanilang mga 'bias' . At kantahin ang korean music kahit di nila naiintindihan ang mga lyrics nito, dahil nga mahal nila. Tinanong ko sila kung bakit, ang sasabihin ng iba ay dahil nakakaakit ang kanilang mga mukha, ang iba naman ay dahil nga kakaiba ang kanilang mga musika. Ngunit kadalasan, ang sasabihin ng karamihan ay dahil sa kanilang (Korean idols) pagkahilig sa paggawa ng musika. Minahal nila ang kanilang ginagawa. Kaya nakakuha ito ng maraming tagapagkinig, at ang ilang tao na nakikinig sa kanilang musika ay gagawin iyan bilang inspirasyon.

Dahil dito, mas naiintindihan ko ang mga taong humanga sa mga ito. Ngunit kahit sila ay humahanga sa mga Korean idols, sana'y di nila malilimutan ang kanilang sariling kultura, kung saan sila nagmula, at sana rin ay di nila makalimutan ang pag pagmamahal nila sa sariling atin.

No comments:

Post a Comment